^

Bansa

Opisina ng NBI director gagawin na lang museum

-
Planong gawing museum ng bagong talagang si National Bureau of Investigation (NBI) Director Nestor Mantaring ang director’s office ng ahensiya sa halip na okupahin ito.

Sinabi ni Mantaring na mas pinili nito na manatili sa kanyang kasalukuyang inuupahang tanggapan sa 2nd floor ng NBI Annex building kaysa gamitin ang tradisyunal na opisina ng mga dating director sa 3rd floor ng NBI main building sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Hindi naman umano siya naniniwala na may "bad feng shui" ang director’s office, subalit mas komportable anya siya na ang kasalukuyan niyang opisina ang nagbibigay sa kanya ng suwerte na inokupahan niya noon pang taong 2000 pa bilang Deputy Director for Comptrollership, Assistant Director, Officer-in-Charge (OIC), Acting Director at ngayo’y NBI Director.

Balak ni Mantaring na i-convert ang director’s office sa isang museum at ilagay dito ang mga "accomplishment" o memorabilia ng mga dating director na paraan na rin umano niya upang parangalan ang mga pinalitang director.

Apat na dating director ang nasawi sa loob ng dating tanggapan kabilang sina Reynaldo Wycoco, Antonio Aragon, Santiago Toledo at Federico Opinion.

Si Sen. Alfredo Lim na naging NBI director rin ay komunsulta umano sa feng shui experts at hindi nanatili sa nasabing tanggapan at hanggang ngayon ay nagsisilbi pa sa bayan. (Danilo Garcia)

ACTING DIRECTOR

ALFREDO LIM

ANTONIO ARAGON

ASSISTANT DIRECTOR

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR

DIRECTOR

DIRECTOR NESTOR MANTARING

FEDERICO OPINION

MANTARING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with