^

Bansa

7 impeachment complaint vs GMA ibinasura

-
Ibinasura ng House committee on justice ang pitong impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo matapos matalo sa botohan ang oposisyon kaya ang ikawalong complaint lamang ang legal na pagtatalunan ngayon.

Sa botong 54-24, ibinasura ng komite ang 7 impeachment complaint na isinampa ng ibat’ ibang grupo dahil pasok ito sa 1 year ban o pagbabawal na sampahan ng panibagong reklamo si Pangulong Arroyo hangga’t hindi pa natatapos ang isang taon mula nang sampahan ito ng impeachment complaint.

Ipinaliwanag ni Albay Rep. Edcel Lagman, nagsimula ang 1 year ban noong Hulyo 26, 2005 ng alas-4:20 ng hapon kung kailan nai-refer sa House committee on justice ang reklamo ni Atty. Oliver Lozano kaya magtatapos ito ng July 26, 2006 ng alas-4:20 hapon.

Ang ikinunsidera lamang ng komite ay ang ika-8 impeachment complaint na inihain ng Black and White Movement na ininderso ni Tarlac Rep. Noynoy Aquino.

Iginiit ni House Minority Leader Francis Escudero na isama bilang complainants ang pitong naunang naghain ng reklamo pero hindi pumayag ang mayorya sa amyenda dahil na rin sa umiiral na rules.

Pagdedebatihan ngayon ng komite kung tama sa porma ang pang-walong impeachment complaint.

Nagkainitan naman sina Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon at Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza matapos patungkulan nitong dapat mag-inhibit sa komite ang mga ‘sangkot’ na naging recipient ng fertilizer fund. (Malou Escudero)

ALBAY REP

BENASING MACARAMBON

BLACK AND WHITE MOVEMENT

EDCEL LAGMAN

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

MALOU ESCUDERO

NOYNOY AQUINO

OLIVER LOZANO

PANGULONG ARROYO

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with