^

Bansa

OWWA officials gigisahin ngayon sa Senado

-
Gigisahin ngayon ng Senado ang mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung saan napunta ang kanilang pera hinggil sa kawalan ng sapat na pondo para sa evacuation ng mga OFW’s sa Lebanon.

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng senate committee on labor and employment, magkakaalaman ngayon kung naayon ba sa batas ang paglipat ng P530 milyong pondo ng OWWA Medicare Fund patungo naman sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) noong Pebrero 2004.

Sinabi ni Sen. Estrada, nakakuha siya ng isang resolusyon na pirmado ng mga kinatawan ng DFA, OWWA, DBM , DoF, at DOLE na inilipat ang naturang halaga noong Pebrero 2, 2004 ilang buwan bago ang 2004 na eleksyon.

Ipinaliwanag ni Estrada na aalamin ng kanyang komite ang legalidad sa naturang paglipat ng pondo na pinag-aralan ng Joint Technical Group ng PHIC at OWWA.

Aniya, matutukoy din dito kung ang mga nakatanggap ng PHIC card ay mga OFW’s o mga pangkaraniwang mamamayan at aalamin kung ito ay legal at naayon sa charter ng OWWA.

Nauna ng inakusahan ng oposisyon si Pangulong Arroyo na gumamit ng pondo ng pamahalaan, ilang buwan bago ang halalan noong 2004 para matiyak ang kanyang pagkapanalo sa presidential elections.

Samantala, inerekomenda naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., ang paggamit ng mga Super Ferry boats na siyang gagamiting sasakyan ng mga OFW’s mula Lebanon patungong Manila.

Ayon kay Sen. Pimentel, aabot sa 15 araw ang biyahe kung saan mayroong 2,200 na pasahero at tinatayang aabot lang sa US$3.5M ang gastos para sa 30,000 mga OFW’s. (Rudy Andal)

AYON

JINGGOY ESTRADA

JOINT TECHNICAL GROUP

MEDICARE FUND

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PANGULONG ARROYO

PEBRERO

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with