P2 hike sa presyo ng petrolyo
August 2, 2006 | 12:00am
Inaasahan ang linggo-linggong pagtaas sa presyo ng petrolyo sa bansa matapos na magbabala ang Petron na magtataas sila ng P2 kada litro sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ngayong Agosto dahil sa pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan bunsod ng nagaganap na giyera ng Lebanon at Israel.
Ayon kay Petron Spokesperson Virginia Ruivivar, posibleng gagawin nilang lingguhang 50 sentimos kada litro ang itataas nila sa presyo ng produktong petrolyo upang hindi naman mabigla ang mga tao.
"Hindi malayo ang 50 centavos oil per liter price hike every week kasi mahirap naman biglain ng P2 per liter masyadong mahihirapan ang mga consumers," saad ni Ruivivar.
Wika pa nito na kinakailangan na nilang magtaas ng presyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan sanhi ng nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan dahilan upang kulangin ang supply ng langis sa local na pamilihan.
Samantala sinabi naman ng Total Philippines na balak din nilang magtaas ng P1.30 kada litro sa itinitinda nilang gasoline habang 50 sentimos naman kada litro sa diesel. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended