Pinay lumundag sa gusali, grabe
July 27, 2006 | 12:00am
Isang Filipina domestic helper ang nasa kritikal na kondisyon matapos na tumalon sa isang 2-storey building nang ayaw payagan ng kanyang amo na umalis at mapasama sa daan-daang Pinoy na inililikas ng pamahalaan dahil sa tumitinding sitwasyon sa Lebanon.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), inoobserbahan sa Sassine hospital sa Lebanon ang biktimang si Vanessa Butalan makaraang tumalon sa apartment ng kanyang among Lebanese.
Nabatid na halos gawing hostage si Butalan ng kanyang among Lebanese dahil ayaw siyang payagang sumama sa ginagawang mass repatriation at evacuation sa may 30,000 OFWs sa Lebanon.
Nalaman ni OWWA Administrator Marianito Roque, hindi pinayagan si Butalan ng kanyang amo na magpalista at sumama sa repatriation na isinasagawa ng ating embahada sa Beirut.
Napilitan si Butalan na tumalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang apartment upang makatakas sa kanyang amo para makauwi na sa bansa dahil sa tumitinding giyera sa pagitan ng Israeli forces at Hezbollah troops sa Lebanon.
Inatasan na ni Adm. Roque ang welfare officer nito sa Kingdom of Saudi Arabia na magpadala ng doktor sa Lebanon para tignan ang kalagayan ni Butalan na sinasabing nagtamo ng sugat at mga bali sa katawan. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended