Bigas ang ibinigay ko sa Magdalo Ping
July 22, 2006 | 12:00am
Inamin ni Sen. Panfilo Lacson na tumulong siya sa Magdalo soldiers sa pamamagitan ng financial assistance pero hindi para sa isinusulong nitong kudeta o pagrerebelde kundi para sa kanilang mga pamilya.
Sinabi ni Lacson na hindi maituturing na krimen ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng Magdalo soldiers tulad ng bigas gaya ng gustong palabasin ni Justice Secretary Raul Gonzalez.
Ayon kay Lacson, ang angkop na itawag sa ginawa niyang pagtulong at ginawang pagkupkop ni Novaliches Bishop Antonio Tobias sa mga Magdalo soldiers ay "for humanitarian reasons".
Pinayuhan ni Lacson si Sec. Gonzalez na rebyuhing mabuti ang naging testimonya ni 1st Lt. Lawrence San Juan bago siya paratangan na isang financier ng Magdalo group dahil lamang sa ibinigay niyang tulong sa pamilya ng mga ito. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended