Dagdag benepisyo sa mga may kapansanan
July 20, 2006 | 12:00am
Karagdagang insentibo at pribilehiyo ang hiniling ni Sen. Edgardo Angara para sa mga tao na may kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs) sa gitna na rin ng pagdami ng bilang ng mga may kapansanan sa ating bansa. Sinabi ni Sen. Angara na ang kanyang kahilingan ay hindi nangangahulugan na aasa na lang ang mga PWDs sa tulong ng gobyerno, bagkus ito ay dagdag benepisyo lang para sa usapin ng kanilang kalusugan, seguridad at disenteng tirahan gaya ng nakukuha ng mga senior citizens. Sa kanyang panukalang pag-amyenda sa 1992 Magna Carta for Disabled Persons, isinusulong nito ang 20% diskwento ng mga may kapansanan para sa domestic air and sea travel, public railways, bus fare, pagliban sa individual tax sa mga may income na pasok sa poverty level, medical, dental at laboratory services at admission charges sa sinehan. (Rudy Andal)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest