Shell kakasuhan sa oil spill sa Pandacan Depot
July 18, 2006 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng kaso ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Pilipinas-Shell Corporation dahil sa posibleng kapabayaan nito matapos na maganap ang oil spill sa Ilog Pasig na sakop ng Pandacan Oil Depot.
Sa ulat ng PCG-Public Information Office, natuklasan ng mga tauhan ng Marine Environment Protection Unit ang oil spill dakong alas-12:30 ng Sabado ng hapon nang mapansin ang makapal na langis sa Pureza riverbank ng Ilog Pasig.
Agad na nagsagawa ng inspeksyon ang PCG kung saan natuklasan na nagbuhat ang naturang langis sa mga storage tank sa loob ng Shell Pandacan terminal.
Inatasan ng PCG-Oil Spill Reaction Team ang Pilipinas-Shell na pigilan ang pagkalat ng naturang langis sa Ilog Pasig. Naglatag naman ang mga tauhan ng kumpanya ng langis ng oil spill boom habang nilimas ang kumalat na langis sa bisinidad.
Umaabot sa siyam na dram o katumbas na 1,890 litro ng lube oil ang kasalukuyang nakokolekta ng mga tauhan ng Shell habang nagsasagawa pa rin ng paglilinis sa Ilog Pasig.
Nagpalabas naman ng "inspection apprehension report" (IAR) ang Marine Environmental Protection Command sa Shell Pandacan para pansamantalang patigilin ang operasyon ng oil depot habang nagsasagawa ng kaukulang operasyon.
Posibleng masampahan ng kaukulang kaso ang Pilipinas Shell kapag napatunayan ang kapabayaan nito sa kanilang operasyon at dahil sa polusyon na idinulot nito sa Ilog Pasig. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am