^

Bansa

Sibakan sa DepEd nakaamba

-
Inaasahan ang sibakan sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) matapos na ihayag ng bagong talagang si Secretary Jesli Lapus ang agarang transpormasyon para sa mabilis na pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa pahayag ni Lapus, napaka-kritikal kung paano patataasin ang palalang kalidad ng edukasyon at para baguhin ang sistema ay kinakailangan ng malaking pagbabago sa departamento.

Dahil dito mas tututok si Lapus sa managerial na puwesto na kinabibilangan ng mga school superintendent at principals at kung kinakailangang magkaroon ng pagbabawas hanggang sa central office ay kanilang gagawin tumaas lang ang kalidad ng edukasyon.

Sasailalim din sa training at seminars ang mga guro upang mas lumawak ang kaalaman ng mga ito.

Tutol ang mga guro, empleyado at opisyal ng DepEd na isa na namang pulitiko ang humawak ng posisyon sa kagawaran. (Edwin Balasa)

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUKASYON

EDWIN BALASA

INAASAHAN

LAPUS

SASAILALIM

SECRETARY JESLI LAPUS

TUTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with