Lim pinalulutang sa korte
July 15, 2006 | 12:00am
Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na ilutang sa korte si Army Brig. Gen. Danilo Lim.
Itoy matapos paboran ng CA 16th Division ang inihaing petition for habeas corpus ng kampo ni Lim na humihiling na iharap sa korte ang heneral.
Sa resolusyon ng Appelate Court, inutusan nito ang AFP na ilantad sa korte si Lim sa Hulyo 18, 2006 sa alas-10:30 ng umaga para sa pagdinig.
Nakatakdang talakayin ang legalidad ng patuloy na pagkakapiit ni Lim sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal sa kabila na wala pang kasong naihahain laban sa kanya ang gobyerno.
Ayon sa abogado ni Lim na si Atty. Vicente Verdadero, iligal ang pagkakakulong ng kanyang kliyente dahil wala namang kaso pang naisasampa laban dito.
Si Lim ang sinasabing mamumuno sana sa pag-aaklas ng mga sundalo nang magpahayag ito ng withdrawal of support sa administrasyon ni Pangulong Arroyo. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended