Esperon hinirang na AFP chief
July 13, 2006 | 12:00am
Pormal nang hinirang kahapon ni Pangulong Arroyo si Army Chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon bilang bagong AFP Chief of Staff kapalit ng magreretirong si Gen. Generoso Senga Jr.
Sa kanyang regular press briefing, sinabi ni Executive Sec. Eduardo Ermita na si Esperon ay subok at mayaman sa karanasan sa combat at walang kuwestiyon ang katapatan sa tungkulin at chain of command.
Si Esperon na produkto ng Phil. Military Academy (PMA) Class 74 ang isa sa mga heneral na tinukoy sa kontrobersiyal na Hello Garci tape na naglalaman ng umanoy dayaan noong 2004 elections.
Samantala itinalaga naman si Lt. Gen Romeo Tolentino bilang Army chief kapalit ni Esperon. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended