Militar mas maraming patay kaysa NPA
June 29, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 104 sundalo at 87 naman sa panig ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang napaslang sa serye ng engkuwentro sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni AFP-PIO Chief Col. Tristan Kison na unti-unting napagwawagian ng Armed Forces of the Philippines ang giyera laban sa communist insurgency at napababa nila ang kapabilidad ng operasyon ng NPA sa 2nd quarter ng taong ito.
Ayon kay Kison, ang malaking bilang ng nalagas sa puwersa ng militar ay dahilan sa patraydor na ambush at landmine na itinanim ng mga rebelde sa unang bahagi ng 2006.
Ayon pa kay Kison, nakapagtala sila ng 20% pagbaba sa opensiba ng puwersa ng NPA simula Abril 1 hanggang Hunyo 27 kumpara noong Enero hanggang Marso ng taong ito.
Ikinatwiran pa ng opisyal na kung napuntusan man ng mga rebelde ang tropa ng gobyerno sa unang yugto ng taong ito ay hindi resulta ng lehitimong engkuwentro kundi ng landmine sa patraydor na pag-atake laban sa mga sundalong wala sa aktuwal na combat operation.
Tiwala rin si Kison na matapos makabangon sa ikalawang yugto ng taon ay inaasahan nilang magkakaroon pa ng karagdagang positibong resulta ang labanan sa P7 milyong parte na tatanggapin ng AFP mula sa P1 bilyong pondo na inilaan ni Pangulong Arroyo para sugpuin ang problema sa komunismo sa loob ng dalawang taon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest