Kahit May Travel Ban: 2,000 Pinoynakapasok sa Iraq
June 18, 2006 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng grupong Migrante International na 2,000 Pinoy ang nakapasok sa bansang Iraq sa kabila ng travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan bunsod na rin ng patuloy na nagaganap na digmaan sa pagitan ng mga sundalong Kano at Iraqi rebels.
Ayon kay Connie Bragas Regalado, chairperson ng Migrante, malinaw umanong nagpapabaya ang ilang ahensiya ng pamahalaan dahil patuloy na nagaganap ang recruitment.
Sa impormasyon ng Migrante, magsisilbi umanong private army ang mga ni-recruit na OFW at prayoridad na tinatanggap ang mga dating pulis at sundalo kapalit ang P100,000 sahod kada buwan.
Sinasabing sa kabila ng panganib na nakaamba ay marami pa ring Pinoy ang nagnanais magtungo sa Iraq bunsod na rin umano ng kawalan ng trabaho na naibibigay ng gobyerno. (MLayson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended