^

Bansa

Pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita pinigil ng SC

-
Kinampihan ng Supreme Court (SC) ang pamilya Cojuangco makaraang pigilin ang nakatakdang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita Incorporated (HLI).

Batay sa resolution ng SC 3rd Division, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa implementasyon ng kautusan ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) na inisyu noong Dis. 22, 2005 at ang notice of coverage na may petsang Enero 2, 2006.

Alinsunod sa desisyon ng PARC, sapilitang isinasailalim ang Hacienda Luisita sa Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.

Pinayagan rin ng Korte ang HLI na sa halip na lupa ay shares of stocks muna ang ipamahagi nito sa mga magsasaka.

Kasabay nito ay inatasan ng SC ang HLI na maglagak ng P5 milyong cash o surety bond sa loob ng limang araw upang maging epektibo ang TRO.

Nagbabala ang SC na sa sandaling mabigo ang Hacienda na makapaghain ng nasabing halaga ay tatanggalin din ang nabanggit na TRO. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALINSUNOD

BATAY

COJUANGCO

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

CRUZ

ENERO

HACIENDA LUISITA

HACIENDA LUISITA INCORPORATED

PRESIDENTIAL AGRARIAN REFORM COUNCIL

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with