^

Bansa

Anti-daya software sa ’07 polls

-
Upang maiwasan ang talamak na dayaan sa eleksyon at upang mapabilis ang bilangan sa 2007 elections, nagkaloob ng software sa pamahalaan ang Mega Data Corporation sa pangunguna ni Rafael Garcia III, chairman at CEO ng nasabing kumpanya.

Ang donasyon ay isinagawa sa isang seremonya sa 11th Philippine Computer Society Information Technology Congress na ginanap kamakailan sa Crown Plaza hotel sa Otigas, Pasig City. Pormal na na-turn over sa Philippine IT community ni Mr. Garcia ang Botong Pinoy, isang computer system na kinikilalang lilinis at makapagpapabago sa eleksyon sa bansa.

Ang naturang software ay inaasahang makakatugon sa mga problema sa eleksyon partikular ang ‘dagdag-bawas’. Mabilis at instant ang pag-record ng mga boto at pag-transmit ng precint result matapos ang botohan. Hindi din magastos ang nasabing system dahil hindi ito nangangailangan ng dedicated voting machines. Para makatipid ang gobyerno, ang system ay nangangailangan lamang ng Pentium 1, II, III o IV na maaaring magamit sa mga paaralan sa mga panahong walang eleksyon.

Ipinaliwanag pa ni Garcia, sa pamamagitan ng sistemang ito, ang mga botante ay maaaring mag-click lamang gamit ang mouse sa litrato ng napiling kandidato kaya kahit ang mga walang pinag-aralan ay makaboboto ng walang kinakailangang assistance at ito ay may audio na nagsasalita sa sampung dialect sa bansa at ingles.

Tiniyak naman ng Philippine Computer Society na daang libong computer units ang handang ipagkaloob ng mga miyembro ng Philippine IT community sa loob at labas ng bansa bilang suporta para sa malinis na eleksyon.

"And to ensure that only the software approved by all parties concerned is used for the elections, the final software is burned on the CD’s which are usable only for the actual elections," dagdag pa ni Garcia.

Matapos bumoto ang isang botante, automatic na ipi-print ng computer ang na-fill up na balota para sa kumpletong audit trail para sa election process. Ang balota ay may kasamang computer-generated 2D barcode kasama ang kandidatong ibinoto ng botante na magagamit para sa manual na pagbibilang halimbawang magkaroon ng election protests. Sa paraang ito hindi na rin magiging magastos sakaling magkaroon ng recount.

vuukle comment

BOTONG PINOY

CROWN PLAZA

GARCIA

MEGA DATA CORPORATION

MR. GARCIA

PASIG CITY

PHILIPPINE COMPUTER SOCIETY

PHILIPPINE COMPUTER SOCIETY INFORMATION TECHNOLOGY CONGRESS

RAFAEL GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with