^

Bansa

Kritiko ng EO 464 binigyan ng 10 araw para magkomento

-
Binigyan ng 10 araw ng Supreme Court (SC) ang mga kritiko o petitioners ng legalidad ng Executive Order 464 para kontrahin ang motion for reconsideration na isinampa ng gobyernong Arroyo.

Sa 3-pahinang en banc order ni Senior Associate Justice Reynato Puno, ipinaliwanag ng SC na mahalagang mabigyang pagkakataon ang mga petitioner na makapagpaliwanag kontra sa mosyon na isinampa ni Solicitor General Eduardo Nachura.

"Now therefore, you petitioners are hereby required to comment on the subject motion for reconsideration within a non-extendible period of ten (10) days from notice hereof," ani pa ng SC.

Kabilang sa inatasang magsumite ng paliwanag ay ang Senado, Bayan Muna, Alternative Law Group (ALG), dating Solgen Frank Chavez, PDP Laban at Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Una nang hiniling ni Nachura sa SC na muling pag-aralan ang naunang desisyon nito na nagpapawalang-bisa sa ilang probisyon ng EO 464 dahil hindi naman nagkaroon ng pag-abuso sa panig ng Pangulo nang iisyu nito ang naturang kautusan.

Sa inihaing mosyon, iginiit nito na may kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na obligahin ang mga opisyal na sakop ng ehekutibo na magpaalam muna sa Presidente bago humarap sa mga pagdinig ng Kongreso, sa pamamagitan ng paggigiit ng executive privilege. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALTERNATIVE LAW GROUP

BAYAN MUNA

BINIGYAN

EXECUTIVE ORDER

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

PANGULO

SENIOR ASSOCIATE JUSTICE REYNATO PUNO

SOLGEN FRANK CHAVEZ

SOLICITOR GENERAL EDUARDO NACHURA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with