^

Bansa

‘Bomba’ vs Gloria sasabog!

- Malou Escudero, Lilia Tolentino -
Isang "bomba" ang umano’y nakatakdang pasabugin ng oposisyon na magiging daan upang magtagumpay ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo na posibleng tatapos sa panunungkulan nito.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na mas madidiin si Arroyo sa ginawa nitong pandaraya at mga katiwaliang nagaganap sa gobyerno sa sandaling umusad na ang panibagong impeachment na pinaghahandaan ng oposisyon.

Si Cayetano ang tumatayong spokesman ng minorya sa House of Representatives kaugnay sa round 2 ng pagsasampa ng reklamo laban sa Pangulo na ihahain sa Hulyo 26.

Pero tumanggi si Cayetano na sabihin kung ano ang bagong "bomba" na hawak nila dahil masyado pa anyang maaga para ito’y pag-usapan.

Sinabi ni Cayetano na sa ngayon ay tinitiktikan na sila ng Malacañang kaya ito na anya ang huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa impeachment.

Bukod sa sinasabing "bomba," gagamitin din ng oposisyon ang naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa Executive Order 464, Calibrated Preemptive Response at Proclamation 1017 bilang bahagi sa ihahaing reklamo.

Handa naman ang kampo ni Pangulong Arroyo sa panibagong impeachment at inaasahan na ng Palasyo na muling magtatangka ang oposisyon matapos mabigo sa unang tangkang mapaalis ito sa puwesto.

Naniniwala si Executive Secretary Eduardo Ermita na sa basurahan din babagsak ang panibagong reklamong ihahain ng oposisyon dahil sa kawalan nito ng sustansiya at porma.

Ito anya ay sa dahilang mga dating isyu na hindi tinanggap ng Kamara noon ang muling ipiprisinta.

Kung numero lamang aniya ang pagbabatayan, tiyak na hindi magtatagumpay ang reklamo dahil mayorya ng mga kongresista ay kaalyado ng administrasyon.

ALAN PETER CAYETANO

CALIBRATED PREEMPTIVE RESPONSE

CAYETANO

EXECUTIVE ORDER

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KORTE SUPREMA

PANGULONG ARROYO

SI CAYETANO

TAGUIG-PATEROS REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with