^

Bansa

Mayor hinarang sa NAIA, Sec. Gonzalez nagalit

-
Pinagalitan ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang pigilan ng mga ito si Dingalan, Aurora Mayor Jaime Ylarde na makalabas ito ng bansa patungong Hong Kong sa kabila ng pahintulot ng kalihim.

Sinabi ni Gonzalez na ang pagtungo naman ni Ylarde sa HK ay mayroong kaugnayan sa tungkulin nito kaya binigyan niya ito ng go-signal.

Subalit sa kabila nito, pinigilan pa rin sa airport ng mga immigration agent si Ylarde dahil sa pagkakasama ng pangalan nito sa watchlist dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay sa mamamahayag na si Philip Agustin.

Bunga nito, nagpasya na lamang si Ylarde na huwag nang lumabas ng bansa upang ipakita umano na hindi niya tatakasan ang umano’y kasong ibinibintang sa kanya.

Malaki ang paniniwala ni Ylarde na ang hindi pagpapalabas sa kanya ng bansa ay maituturing na isang harassment ng mga kalaban niya sa pulitika. (Grace dela Cruz/Butch Quejada)

AURORA MAYOR JAIME YLARDE

BUNGA

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CRUZ

DINGALAN

HONG KONG

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIP AGUSTIN

YLARDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with