^

Bansa

Mangingisda natusta sa kidlat

-
Natusta ang isang 45-anyos na mangingisda makaraang tamaan ito ng kidlat habang ang una ay nangingisda, kahapon ng umaga sa laot sa baybayin ng bayan ng Navotas.

Sanhi ng malakas na tama ng boltahe ng kidlat ay nagtamo ng sunog sa ibat-ibang parte ng katawan at butas sa tiyan ang biktimang si Melchor Basbas, residente ng Pitong Gatang, Sipac, Almacen ng nabanggit na bayan.

Sa pahayag ng isang nagngangalang Arman, manugang ng biktima, dakong alas-5 ng umaga ng mangyari ang insidente habang ang huli ay sakay ng kanyang bangka at nangingisda sa laot sa baybayin ng Navotas.

Nadiskubre ni Arman ang nangyari sa kanyang biyenan nang sundan nito sa laot ang huli at matagpuan itong wala nang buhay sa loob ng sinasakyang bangka.

Agad na dinala ang biktima sa pampang at lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operations (SOCO) na nagtamo ng sunog sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktima bukod sa malaking butas o sugat na tinamo sa kanyang tiyan.

Malaki ang paniwala ng SOCO na malakas na boltahe ng kidlat ang tumama sa biktima na naging sanhi upang agaran itong masawi. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARMAN

MALAKI

MELCHOR BASBAS

NADISKUBRE

NATUSTA

NAVOTAS

PITONG GATANG

ROSE TAMAYO-TESORO

SANHI

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with