Guinness record sa breasfeeding kuha ng Pinas!
May 5, 2006 | 12:00am
Maaari nang mapasama ang Pilipinas sa Guinness Book of World Record na may pinakamaraming bilang ng nagpapasusong ina matapos na mahigitan ang record ng Berkley, California na 1,130 mga nagpapasusong ina noong Agosto 3, 2002.
Kahapon dakong alas-9 ng umaga ng pasimulan ni Health Secretary Francisco Duque III at Manila Mayor Lito Atienza ang simultaneous breastfeeding na idinaos sa San Andres Sports Complex, Malate, Maynila kung saan umabot sa 3,754 mga ina ang nakilahok kasama ang kanilang mga anak.
Pero umabot sa 3,738 lamang ang maaring italang record sa Guinness dahil ang ibang sanggol ay hindi sumuso kayat hindi ito maaaring i-consider.
Iginiit naman ni Dayrit ang magagandang benepisyong makukuha ng isang sanggol kapag pinapasuso ito ng kanilang mga ina kabilang dito ang pagiging smarte ng isang bata at pagtaas ng 5-7 puntos ng kanilang intelligence quotients (IQ), low lifetime risk ng diabetes, obesity at cancers.
Gayundin ang magandang benepisyo ng mga nanay kabilang dito ang mahinang pagdurugo matapos ang panganganak, delay na fertility upang magkaroon ng agwat ang pag-aanak, at pag-iwas sa sakit na cancer na may kinalaman sa female organs tulad ng breast, ovaries at uterus. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended