Buwag-bitay kasado na!
April 20, 2006 | 12:00am
Pormal nang sinertipikahan ni Pangulong Arroyo bilang isang urgent bill ang panukalang batas para buwagin ang parusang bitay.
Sa pahayag ng Pangulo sa selebrasyon kahapon ng 61st birthday ni Press Secretary Ignacio Bunye, inanunsiyo nito na pinirmahan na niya ang isang transmittal letter para sa Kamara at Senado na humihiling sa mga mambabatas na madaliin na ang paglusaw sa death penalty.
Naniniwala ang Pangulo na makakalusot sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang bill na ito sa kabila ng pagtutol dito ng oposisyon.
Dahil dito, inaasahang isasalang na sa Kongreso ang House Bill 4826, ang panukalang batas na lulusaw sa death penalty, na akda ni Bicol Rep. Edcel Lagman para masimulan na ang debate sa merito nito.
Idinahilan ni Rep. Lagman sa kanyang bill na anti-poor ang death penalty dahil hindi nakakakuha ng magagaling na abogado ang mahihirap. Hindi rin anya puwedeng ibalik ang buhay ng nabitay at puwede rin namang magkamali ang hatol ng hukom.
Ayon pa kay Lagman, hindi naging detterent sa crimes ang parusang bitay. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest