^

Bansa

Magdalo group-NPA alliance kinumpirma

-
Kinumpirma mismo ni Magdalo group member Army Capt. Gerardo Gambala ang ginawang pakikipag-alyansa ng Grupong Magdalo sa New People's Army (NPA).

Sa ipinalabas na ikalawang video ng Malacañang na pinamagatang "Sabwatan sa kataksilan" ay ipinakita si Capt. Gambala ng Magdalo group na umaming nagkamali sila ng makipagsabwatan sa NPA.

Sinabi ni Gambala sa naturang video na ipinakita sa mga mamamahayag ng Palasyo na nagsimula ang kanilang pakikipag-alyansa sa NPA noong Disyembre 2003.

Isa si Gambala sa mga Oakwood mutineers na humingi ng paumanhin kay Pangulong Arroyo dahil sa kanilang pagkakamali ng maglunsad ng pag-aalsa.

Bukod dito, ipinakita din sa video ang serye ng pagpupulong ng Magdalo group hinggil sa nabigong Oakwood mutiny.

Umapela din si Capt. Gambala sa naturang video sa kapwa niya sundalo na huwag tularan ang kanilang ginawa.

Nabanggit din ang isyung may kinalaman sa Oplan G4, sa pamamagitan ng nasamsam na mga dokumento mula sa grupong Para sa bayan na ang lider umano ay si dating Scout Ranger commander Brig. Gen. Danilo Lim alyas "Nikki".

Ang Oplan G4 ay ang pagkilos tulad ng People Power, kasama ang taumbayan, pagtake-over sa mahahalagang instalasyon at ahensiya ng pamahalaan mula Mindanao hanggang Metro Manila, kasama ang Malacañang. (L.Tolentino)

ANG OPLAN

ARMY CAPT

CAPT

DANILO LIM

GAMBALA

GERARDO GAMBALA

GRUPONG MAGDALO

MAGDALO

MALACA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with