^

Bansa

Illegal recruitment ng mekaniko ng eroplano nabuking

-
Sasampahan ng kaukulang kaso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang ahensiya na nahuli sa akto ng ilegal na pag-recruit ng mga mekaniko ng eroplano noong Sabado sa Heritage Hotel sa Pasay City.

Kinilala ni Atty. John Bautista, hepe ng Operations and Surveillance Division ang kakasuhang ahensiya na Prime Opportunities, Inc. (POI).

Natagpuan sa hotel ang may 70 aplikante na nakalinya para sa interview na karamihan ay mekaniko ng eroplano. Iba-blacklist ng POEA ang prinsipal na Singaporean ng POI na Maj. Aviation Pte., Ltd. (MAPL) at ang mga opisyal nito.

Nabigo ang POI na magpakita ng anumang dokumento na nagpapatunay na otorisado itong magsagawa ng panayam para sa mga mekaniko sa eroplano. Kamakailan lamang nanawagan ang mga kinatawan ng lokal na industriyang panghimpapawid sa pamahalaan na pansamantalang ipagbawal ang pagpapaalis sa mga mekaniko at piloto at kumilos kaagad laban sa pamimirata ng mga banyagang airlines.

AVIATION PTE

HERITAGE HOTEL

JOHN BAUTISTA

KAMAKAILAN

KINILALA

LTD

OPERATIONS AND SURVEILLANCE DIVISION

PASAY CITY

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PRIME OPPORTUNITIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with