^

Bansa

Walang pondo sa P2,000 allowance

-
Tinuligsa kahapon ng mga mambabatas ang Senado sa ginawa nitong pagpapaasa sa mga manggagawa ng gobyerno dahil sa ibinigay nitong pangako na tiyak namang mapapako.

Naniniwala pa sina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Antique Rep. Execquiel Javier na ang naging desisyon ng mga senador ay paraan para gantihan umano ang Pangulo dahil sa pagkastigo nito sa kanila.

Ayon kina Salapuddin, mas praktikal at patas ang version ng mababang kapulungan ng Kongreso na P1,000 increase sa allowance kumpara sa P2,000 inaprubahan ng Senado.

Anila, binibigyan ng House version ng panahon ang pamahalaan para makapaghanap ng pondo kung sakaling kulangin ang P13.1 bilyong alokasyon para sa implementasyon ng naturang increase.

Niliwanag pa ni Salapuddin na malaki ang posibilidad na hindi kayanin ng gobyerno ang naturang increase dahil sa kakulangan ng pondo para rito.

Ang dapat aniyang ginawa ng mga senador ay tinanong muna sa economic teams lalo na sa budget department kung may pondo para sa implementasyon nito.

Sinabi pa ni Salapuddin na sinusubukan ng ilang senador na lagpasan ang ginawa ng Pangulo na nag-atas noong Pebrero 28 na bigyan ng P1,000 additional compensation ang mga empleyado ng gobyerno.

Sinabi naman ni Javier na batid naman ng mga senador na ang kaya lamang ibigay ng gobyerno ay P1,000 subalit dahil na rin sa pagnanais umanong ipahiya ang Pangulo at agawin dito ang kredito ay itinaas nila ang allowance sa P2,000.

Binigyang-diin ni Javier na nais din nilang itaas ang P1,000 allowance subalit batid naman ng lahat na kulang sa pondo ang gobyerno para ipatupad ang mas malaking allowance sa mga ito.

Idinagdag pa nito na isang masamang biro ang ginawa ng mga senador sa mga empleyado dahil sa pagpapaasa sa kanila sa isang pangakong alam namang hindi maipapatupad. (Malou Escudero)

vuukle comment

ANTIQUE REP

EXECQUIEL JAVIER

HOUSE DEPUTY SPEAKER

JAVIER

MALOU ESCUDERO

MINDANAO GERRY SALAPUDDIN

PANGULO

SALAPUDDIN

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with