Hamon kay GMA: Isuko si Bolante!
March 9, 2006 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr., si Pangulong Arryo na isuko na lamang si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn "Joc-Joc" Bolante kaysa iutos nito ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa P728 milyong fertilizer fund scam.
Ayon kay Pimentel, kung talagang nais ng Pangulo na lumitaw ang katotohanan tungkol sa fertilizer fund scam ay dapat palutangin na lamang ng Palasyo si Bolante na sinasabing "arkitekto" ng nasabing anomalya.
Sinabi ni Pimentel na hindi nararapat na mag-utos ng imbestigasyon si Arroyo sa Presidential Anti-Graft Commission matapos ilabas ng Senate committee on agriculture and food at blue ribbon ang kanilang report na "dapat managot" din ang Pangulo sa maling paggamit ng fertilizer fund na ginamit umano sa 2004 elections.
Ayon kay Pimentel, kahit mayroong diskresiyon ang Pangulo ay dapat huwag na siyang makialam pa sa imbestigasyon dahil isinasangkot din siya sa anomalyang ito batay sa naging rekomendasyon ng Senado sa tanggapan ng Ombudsman. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended