DARE Foundation employees pinalayas sa DAR compound
March 2, 2006 | 12:00am
Pinaalis na ng pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga empleyado at opisyal ng DARE Foundation matapos ang ilang taong pag-ookupa sa DAR compound ng ilegal.
Sinasabing dalawang taon nang namamalagi sa DAR compound ang DARE Foundation na libre sa tubig, opisina, kuryente at maging office supplies.
Alinsunod sa batas, ang sinumang foundation o private entity ay hindi pinahihintulutan na makapag-opisina sa looban ng isang government offices. Ang DARE ay pinamumunuan ni dating DAREA president Violeta Bonilla.
Nagkaroon pa ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng DARE Foundation employees at DAR security men nang ipatutupad na ang kautusang mapalayas ang naturang foundation sa DAR compound dahil wala doon si Bonilla.
Gayunman, makaraan ang 30 minutong pagwawala ng mga staff ng DARE foundation, umalis din sila sa compound. (Angie dela Cruz/Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest