No hope for survivors rescuers
February 22, 2006 | 12:00am
Inamin ng search and rescue teams na malabo nang makakuha pa ng survivors mula sa landslide sa St. Bernard, Southern Leyte at posible umanong ang mahigit 1,000 kataong nawawala ay patay na.
"It is good to hope but relatives of those missing should by now already know the reality," pahayag ni Hector Reyes, leader ng Philippine Canine Search and Rescue Team.
Puspusan pa rin ang rescue at retrieval operations ng ibat ibang grupo sa Bgy. Guinsaugon kung saan umabot na sa 84 ang bilang ng narekober na mga bangkay, habang patuloy ang pagdagsa ng donasyon mula sa mga dayuhang bansang kaalyado ng Pilipinas para sa mga biktima gaya ng Taiwan, Malaysia at Estados Unidos.
Kahapon ay nangako ang pamahalaan ng Bahrain ng $500,000 halaga ng tulong samantala tatlo ring Indonesian C-130 plane ang nakatakdang dumating sa araw na ito sa Tacloban City dala ang relief goods.
Ayon naman kay Senate Minority Floorleader Aquilino Pimentel, Jr., malawakang pagtatanim ng punongkahoy o reforestation sa mga nakakalbong bundok sa buong bansa ang sagot para maiwasan ang pagguho ng lupa na siyang nagdudulot ng pagbaha sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan. Dapat ding ipatupad ang 25-taon na total log ban sa mga logging operators para manumbalik ang kagubatan.
Tinukoy pa ni Sen. Pimentel ang ulat ng mga local na opisyal ng St. Bernard na bagamat may punongkahoy na nakapaikot sa kanilang probinsiya ito ay mga niyog lang at saging, pero ang mga matitigas at matatag na punongkahoy ay matagal ng wala gawa ng mga illegal loggers.
Sinabi pa ni Pimentel na dapat din gayahin ng Pilipinas ang ibang bansa na nagtatanim ng "vertiver" isang uri ng punongkahoy na may malabaging na ugat na siyang sumisiksik ng ilang metro pailalim sa lupa at matakaw din sa tubig na puwedeng makabawas sa pagbaha.
Nanawagan din ang mambabatas sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na ayudahan ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso laban sa mga illegal loggers. (Joy Cantos/Rudy Andal/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended