^

Bansa

Eusebio tumatanggap ng drug money – Dudut

-
Tumindi ang bangayan nina Pasig Ciy Rep. Robert "Dudut" Jaworski at Pasig Mayor Vicente Eusebio nang akusahan ng una ang alkalde na tumatanggap umano ng drug money para protektahan ang pangangalakal ng droga sa lungsod.

Sa isang panayam sa ANC Television, sinabi ni Rep. Jaworski na may mga testigo siyang makakapagpatunay na nakakakuha ng pera mula sa shabu si Eusebio, subalit tumanggi naman itong pangalanan at kung magkano ang perang tinatanggap umano ni Eusebio mula sa illegal na droga.

Agad namang pinabulaanan ni Eusebio ang akusasyon at ayon sa alkalde, gusto lamang sumikat ng batang Jaworski kaya pilit siyang iniuugnay sa isyu ng droga.

Ayon pa kay Jaworski, umabot sa dalawang kilong shabu ang nabenta sa kontrobersiyal na "shabu talipapa" kung saan nasa P10 milyon ang kita araw-araw.

Samantala, ayon naman sa isang mapagkakatiwalaang source, kaya agad na ipinagiba ang nasabing "shabu palengke" ay upang hindi mahalata ang paghukay sa 10 kilo ng shabu na nakabaon sa nasabing lugar.

Bagaman at hindi kumpirmado ang nasabing ulat, sinabi ng source na hindi imposibleng may mas malalim na dahilan sa mabilisang pagpapagiba sa shabu palengke.

Magugunitang si Eusebio ang nag-utos na gibain kaagad ang naturang tiyangge ng droga kahit na kailangan pa itong gamitin para sa pagkuha ng mga ebidensiya.

Ipinagtanggol naman ni Justice Sec. Raul Gonzalez si Eusebio dahil mayroon anyang karapatan ang mayor na ipagiba ang anumang istraktura na makakasama sa kanyang nasasakupan. (Malou Escudero)

AYON

BAGAMAN

DUDUT

EUSEBIO

JAWORSKI

JUSTICE SEC

MALOU ESCUDERO

PASIG CIY REP

PASIG MAYOR VICENTE EUSEBIO

RAUL GONZALEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with