^

Bansa

P3,000 wage increase, hirit na Valentine’s gift

-
Inihirit kahapon ng mga empleyado ng gobyerno na ang pagsasabatas sa P 3,000 across-the-board wage increase ang gawing Valentine’s gift ng pamahalaan para sa mga empleyado ng gobyerno.

Sinabi nina Anakpawis Rep. Crispin Beltran at Bayan Muna Rep. Joel Virador, isang magandang regalo ngayong araw ng mga puso ang pagpapatibay ng batas para sa dagdag sahod sa mga manggagawa na dapat bigyang prayoridad ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ang kanilang kahilingan ay matapos aprubahan ng Kamara ang P13.1 bilyong supplementary budget para sa allowance ng mga manggagawa ng pamahalaan at iginiit na dapat nang isunod ang pagpapasa ng House Bill 5013.

Ayon sa mga mambabatas, hindi sapat ang P1,000 allowance para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga empleyado.

Lumalabas anila na P 45. 50 kada araw lamang ang halaga ng P1,000 kung hahatiin ito sa 22 working days.

Idinagdag pa ng mga mambabatas na ang naturang panukala sa P3,000 wage increase ay sinusuportahan ng mga manggagawa sa gobyerno kasunod ng ipinasang resolusyon ng National Federation of Employees Association ng Department of Agriculture (DA). (Malou Rongalerios)

ANAKPAWIS REP

AYON

BAYAN MUNA REP

CRISPIN BELTRAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

HOUSE BILL

JOEL VIRADOR

MALOU RONGALERIOS

NATIONAL FEDERATION OF EMPLOYEES ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with