^

Bansa

Dayaan sa 2007 ikinakasa na raw ng Palasyo

-
Inilatag na ng administrasyon ang umano’y dayaan sa 2007 election, bunsod ng pagkaka-aapoint kay Antipolo Rep. Ronaldo Puno bilang DILG secretary.

Ayon sa isang senador na humiling na huwag nang banggitin ang pangalan, si Puno ay inappoint sa sensitibong posisyon upang masigurong mananalo ang mga manok ng administrasyon sa gaganaping senatorial, congressional at mayoral elections sa darating na taon.

Kilala bilang political operator, kinuwestyon naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang integridad ni Puno para sa nasabing posisyon at pinagpapaliwanag ng senadora ang kongresista sa naging partisipasyon nito sa Sulu Hotel Operations Group, ang grupong hinihinalang nasa likod ng dagdag-bawas noong 1992 presidential election kung saan tumakbo at natalo ang senadora sa pagka-pangulo at nagluklok kay Fidel V. Ramos sa Malakanyang.

"Mahihirapang makapasa si Puno sa Commission on Appointments," pahayag pa ni Santiago na miyembro ng CA.

"Si Puno ang magiging Garci ng 2007," pahayag ng source na tumutukoy kay ex-Comelec commissioner Virgilio Garcillano na dawit sa umano’y malawakang dayaan noong 2004 presidential election.

"Ang resulta kasi ng 2007 election ang magiging hudyat kung makapangungupit pa si GMA sa kaniyang posisyon sa Malakanyang hanggang 2010," pahayag pa ng senador.

Iniuugnay din kay Puno ang mga maanomalyang P16-million handcuffs purchases, P200 million Motorola radio deal, at P3.6 Mahogany drug test deal noong siya ay nanungkulan bilang DILG undersecretary.

"Ang appointment ni Puno sa DILG ay lalo pang magpapalubog sa kredibilidad ng ating electoral system," pahayag pa ng source. (Rudy Andal)

ANTIPOLO REP

FIDEL V

MALAKANYANG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PUNO

RONALDO PUNO

RUDY ANDAL

SI PUNO

SULU HOTEL OPERATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with