^

Bansa

SC kinalampag sa EO 464

-
Muling iginiit ng Senado at ng ilang grupo sa Supreme Court (SC) na ibasura ang Executive Order 464 dahil sa umano’y hindi nito pagpapaalam sa publiko bago pa man ang implementasyon nito.

Sa inihaing reply ng mga petitioners na pinangungunahan ng Senado at ng ilang grupo tulad ng Bayan Muna at PDP Laban, sinabi ng mga ito na maituturing pa rin na umabuso si Pangulong Arroyo ng agad nitong ipatupad ang EO 464.

Ipinaliwanag ng mga petitioners na nilikha at ipinatupad ang EO 464 noong Setyembre 28, 2005, ang araw na nakatakda ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa "Gloriagate" wiretapping scandal.

Nilalabag din umano ng nasabing kautusan ang Article 150 ng Revised Penal Code kung saan sa ilalim nito ay pinarurusahan ang sinumang nagbabawal na padaluhin ang isang witness.

Iginiit pa rin ng mga petitioners na kasama sila sa mga legal na partido para kuwestiyunin ang EO 464. (Grace dela Cruz)

BAYAN MUNA

CRUZ

EXECUTIVE ORDER

GLORIAGATE

IGINIIT

IPINALIWANAG

PANGULONG ARROYO

REVISED PENAL CODE

SENADO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with