^

Bansa

‘Pork’ ng mga senador pinasisilip

-
Hinamon kahapon ng mga mambabatas ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng auditing kung saan napupunta ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga senador.

Ayon kina Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Leyte Rep. Eduardo Veloso, hindi lamang ang mga ahensiyang nasa ilalim ng Office of the President at Kongreso ang dapat na isailalim sa audit kundi maging ang pork barrel ng mga senador upang malaman kung saan at paano nagamit ito.

Sinabi ni Salapuddin na kailangang magsagawa ng pag-aaral ang COA sa "pork" ng mga senador dahil posibleng may anomalya at katiwalian dito bunsod na rin sa kawalan ng distrito ng mga ito.

Dapat din anyang malaman ng taumbayan kung saan at sino ang mga project beneficiaries ng mga senador.

Ikinadismaya rin ng mga ito ang hindi pagbibigay ng proyekto o programa ng mga nanalong senador sa kanilang mga lalawigan sa kabila na sinusuportahan ng mga kongresista at lokal na opisyal ang kandidatura ng mga ito.

Kasabay nito, hiniling din ni Veloso na sampahan ng kaso ang mga kongresista na nasangkot sa umano’y anomalya sa pondo sa pataba at abono ng Department of Agriculture. (Malou Escudero)

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPUTY SPEAKER

EDUARDO VELOSO

LEYTE REP

MALOU ESCUDERO

MINDANAO GERRY SALAPUDDIN

OFFICE OF THE PRESIDENT

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with