Pinoy todas sa Iraq!
January 23, 2006 | 12:00am
Isa na namang sundalong Pinoy ang nasawi matapos na pasabugan ng bomba ang kanyang sinasakyang helicopter sa Iraq.
Sa naantalang report ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, kinilala ang biktima na si Sgt. Ruel Garcia, isang Fil-Am. Nagsasagawa ng routine patrol ang biktima ng tirahin ng mga militanteng Iraqi ang sinasakyang chopper.
Nakatakdang iburol sa Texas ang labi ni Garcia para sa military honors bago iuwi sa Pilipinas.
Magugunita na nitong Disyembre 24, 2005 ay napatay din ang Fil-Am soldier na si Sgt. Myla L. Maravillosa, nakatalaga sa US Army Reserve 203rd Military Intelligence battalion, bunga ng maraming tinamong tama mula sa pinakawalang rocket-propelled grenade ng Iraqi militants habang nagsasagawa ng routine patrol malapit sa Hawijah isa sa northern Iraq.
Si Maravillosa na tubong Bohol ay nakatira sa Wahiawa, Hawaii.
Bilang mga American citizen, ang US Department of Defense ang siyang mangangasiwa ng lahat ng funeral expenses nina Garcia at Maravillosa.
Sa rekord, si Garcia ay nagtapos ng kursong engineering at nagpakadalubhasa sa University of Nevada.
Ayon sa ama ng biktima na si Rosendo, malaking kawalan sa kanila ang anak dahil isa na rin ito sa tumutulong upang itaguyod ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest