^

Bansa

Itinakas kami!

-
Ibinunyag kahapon ng apat na junior officers na sangkot sa Oakwood mutiny na tinulungan sila ng kapwa nila sundalo na nakikisimpatya sa kanilang ipinaglalaban upang makatakas sa kanilang selda sa Fort Bonifacio, Makati City.

Ito ang nakasaad sa ipinadalang e-mail sa mga mamamahayag na nagmula kina Capt. Nathaniel Rabonza, 1st Lts. Lawrence San Juan, Patricio Bumidang at Sonny Sarmiento.

"Our oath is clear: Our place is with our people; the people’s will is sovereign. All our actions in the performance of our duties must demonstrate this bias in all instances," wika pa ng mga puganteng sundalo sa kanilang e-mail.

Anila, kailangang wakasan na ang corruption, hindi lehitimong liderato at kapabayaan sa gobyerno.

"Therefore we do not merely seek a change in personalities. We seek change of a system that installs the people’s enemies in power and perpetuate the exclusion of the majority. We seek the change of system that reduces the people of being mere spectators, and a change in the kind of politics that lulls the masses into inaction and acquiescence with noise-petty quarrels, distracting issues and cosmetic reforms." dagdag pa ng mga tumakas na sundalo.

Inamin din ni Atty. Roel Pulido, legal counsel ni Bumidang, nakatanggap siya ng text at tawag sa kanyang cellphone mula sa kanyang kliyente kung saan ay kinumpirmang nakatakas sila sa kanilang selda sa tulong ng kapwa nila sundalo.

Sinabi ni Atty. Pulido, siniguro din ng kanyang kliyente na nasa mabuti silang kalagayan kasabay ang paghingi ng paumanhin dahil pati ang abugado ay sinisisi ng AFP officials.

Inako naman ng Young Officers Union of the New Generation sa pamamagitan ng nagpakilalang spokesman nito na isang Col. Arsenio Alcantara, na pitong opisyal na kanilang miyembro ang tumulong sa 4 na Magdalo soldiers upang makatakas sa kanilang selda.

Nagbanta pa si Alcantara na naghahanda na ang kanilang grupo ng mga pagkilos upang pabagsakin ang gobyernong Arroyo.

Binigyan naman ng mga kongresista ng dalawang linggong deadline ang liderato ng AFP upang muling maaresto at ibalik sa selda ang tumakas na mga sundalo.

Itinanggi naman ni dating Sen. Gringo Honasan ang akusasyon ni Justice Secretary Raul Gonzales na may kinalaman ang oposisyon sa pagtakas ng mga Magdalo soldiers. (Joy Cantos, Malou Escudero, Lilia Tolentino, at may dagdag na ulat ni Rudy Andal)

ARSENIO ALCANTARA

FORT BONIFACIO

GRINGO HONASAN

JOY CANTOS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

KANILANG

LAWRENCE SAN JUAN

LILIA TOLENTINO

MAGDALO

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with