^

Bansa

Full alert sa Manila Police sa Pista ng Nazareno

-
Inilagay na sa "full alert status" ni Manila Police District Director C/Supt. Pedro Bulaong ang buong puwersa ng pulisya kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa darating na Lunes.

Sinabi ni Bulaong na nakaalerto na ngayon ang pulisya partikular na ang Station 3 (Sta. Cruz) na nakakasakop sa Quiapo upang bantayan na ang Basilica de Dios Nazareno na inaasahang dudumugin ng libu-libong deboto.

Kabilang sa babantayan ng pulisya ang posibilidad na magkaroon ng pagsalakay ng mga terorista, mga kriminal sa kalsada at pagbabantay sa mga personalidad na nakikidiwang kabilang na si Vice President Noli de Castro na kilalang deboto ng Itim na Nazareno.

Nakaumang na rin ang traffic measures ng Manila Traffic Bureau tulad ng mga re-routing sa mga kalsada patungo sa Simbahan.

Katuwang ng pulisya ang mga traffic agent ng Manila City Hall at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Naging tradisyon na tuwing sasapit ang Enero 9, inilalabas ang Poong Nazareno. Naniniwala ang mga deboto na sinuman ang makakahawak sa Poon ay gagaling ang anumang karamdaman.

Base sa kasaysayan, nagbuhat sa bansang Mexico ang Poong Nazareno na dinala sa Pilipinas ng isang pari noong 1606. Una itong namalagi sa Quiapo Church noong 1787 kung saan pinaniniwalaan na maraming himala itong nagawa. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DIOS NAZARENO

ITIM

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR C

MANILA TRAFFIC BUREAU

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAZARENO

POONG NAZARENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with