Rape vs 4 GI Joes isinampa
December 28, 2005 | 12:00am
Pormal nang ipinagharap ng kasong rape ng Olongapo City Prosecutors Office ang apat sa anim na sundalong Amerikano kaugnay sa umanoy panggagahasa sa isang 22-anyos na Pinay.
Kinasuhan sa Olongapo City Regional Trial Court sina US Marine Lance Corporals Keith Silkwood, Dominic Duplantis, Chad Brian Carpentier, Daniel Smith at ang driver ng van na si Timoteo Soriano bilang co-conspirator.
Habang inabsuwelto naman ng prosekusyon at inatasan na palayain mula sa pagkakadetine sa US Embassy sina Corey Burris at Albert Lara dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya kung saan lumalabas na mistaken identity lamang ang pagkakasangkot ng dalawa sa kaso.
Binigyang-diin pa ni Olongapo City Prosecutor Prudencio Jalandoni na sina Borris at Lara lamang ang dumalo sa mga ginawang pagdinig sa kaso na nangangahuluhan ng sinseridad at good faith para sa kanilang panig.
Samantala, posible naman umanong makalusot sa kaso sina Silkwood at Duplantis kung tatayo silang testigo laban sa kanilang mga kasamahan.
Nakasaad sa resolusyon ni Jalandoni ang partisipasyon ng apat kung saan umakto umano si Duplantis na nagchi-"cheer", samantalang si Silkwood ang naghikayat na gawin ang akto o may "encouragement gestures", habang si Carpentier ay may "moral ascendancy" bilang leader ng kanilang platoon at si Smith bilang pangunahing salarin ng isagawa ang panghahalay.
Inakusahan naman sa pagkakasalang "indispensable cooperation" sa naganap na umano'y rape ang driver na si Soriano dahil pinaikot-ikot pa nito sa Freeport Zone ang minamaneho nitong sasakyan habang isinasagawa ang krimen sa loob ng kanyang van.
Ibinase din ng prosekusyon ang ibinigay na pahayag ni Smith sa mga imbestigador ng US Naval Criminal Investigation Services (NCIS) na umamin na nagkaroon umano ng "consensual sex" sa pagitan nila ng biktima.
Ginamit ding ebidensya ang isinumiteng medico-legal findings ni Dr. Rolando Ortiz II ng James Gordon Memorial Hospital (JLGMH).
Ang kaso ay ira-raffle sa mga RTC branches sa Olongapo sa darating na Martes, Enero 3, 2006 na pamumunuan ni Executive Judge Avelino Lazo ng RTC Branch 75.
Subalit naudlot ang pag-raffle sa paghawak ng kaso dahil nasa isang "official leave" si Lazo.
Matatandaang naganap ang insidente noong Nobyembre 1 sa Starex van sa loob ng Subic Bay Freeport. Matapos ang umanoy panghahalay ay pinababa sa van ang biktima na walang saplot. (Grace Dela Cruz at Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest