^

Bansa

PNP payag pumunta si Erap sa lamay at libing ng Kuya

-
Hindi tumutol ang Philippine National Police (PNP) sa kahilingan ni dating Pangulong Joseph Estrada na payagan siyang makipaglamay at makipag-libing sa kanyang yumaong kapatid na si Antonio Ejercito na namatay sa kanser.

Dahil dito, inaasahan na pagbibigyan ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan ng dating pangulo matapos na hindi rin maghain ng ‘objection’ ang prosekusyon sa nasabing mosyon.

Pero nagbigay ng kondisyon ang PNP sakaling pagbigyan ang mosyon katulad ang pananatili ni Estrada sa Sanctuario de San Jose at hindi siya papayagang pumunta sa kanyang tahanan sa Polk st., Greenhills, San Juan.

Ayaw din ng PNP na magkaroon ng media coverage at hindi dapat tumanggap ng sinumang bisita si Estrada at hindi rin dapat ito payagan na sumama sa funeral procession.

Nais ng PNP na dumiretso si Estrada kasama ang kanyang mga escort sa Simbahan kung saan gagawin ang isang misa at pagkatapos ng misa ay dadalhin na kaagad ito sa sementeryo upang makipaglibing. (Malou Rongalerios)

ANTONIO EJERCITO

AYAW

DAHIL

GREENHILLS

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN JOSE

SAN JUAN

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with