^

Bansa

Erap gustong makipaglamay sa yumaong kuya

-
Hiniling kahapon ni dating Pangulong Erap Estrada sa Sandiganbayan Special Division na payagan siyang makapaglamay at makipaglibing sa yumao nitong kapatid na nakaburol sa San Juan.

Isinama din ni Erap sa kanyang kahilingan na payagan ng korte na makapag-Pasko sa kanilang bahay sa Polk St., Greenhills, San Juan.

Sa apat na pahinang mosyon ni Erap sa pamamagitan ng kanyang abugadong si Rene Saguisag, hiniling nitong payagan siya ng anti-graft court na makapunta sa lamay ng yumaong kapatid na si Antonio Ejercito mula Huwebes ng alas-12 ng tanghali hanggang Biyernes ng alas-12 ng tanghali.

Hindi hinarang ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio ang mosyong ito ng kampo ni Estrada na makapunta sa burol ng kanyang yumaong kapatid.

Hindi naman pabor si Villa-Ignacio na payagang dumalo si Erap sa paghahatid sa huling hantungan sa San Juan cemetery sa yumaong kapatid nito dahil na rin sa ‘security reason’.

Ayon kay Presiding Justice Ma. Theresa Leonardo-de Castro, hihintayin muna nila ng komento ng PNP bago sila maglabas ng desisyon sa kahilingang ito ni Estrada.

Nais din ni Erap na magdiwang ng Pasko sa tahanan nito mula Disyembre 23 hanggang Enero 3 pero sinabi ni Villa-Ignacio na haharangin nila ang ‘Christmas break’ na hinihinging ito ng dating Pangulo. (Malou Rongalerios)

ANTONIO EJERCITO

ERAP

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ERAP ESTRADA

PASKO

POLK ST.

PRESIDING JUSTICE MA

RENE SAGUISAG

SAN JUAN

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLA-IGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with