Garci ikukulong!
December 6, 2005 | 12:00am
Isasalang na bukas sa pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si dating Commission on Elections (Comelec ) Commissioner Virgilio Garcillano kaugnay ng alegasyong sangkot ito sa malawakang dayaan noong 2004 national elections sa bansa.
Ayon kay North Cotabato Rep. Emmylou Taliño-Santos, kahit na bawiin pa ng House of Representatives ang warrant of arrest na ipinalabas laban kay Garcillano ay posible pa rin itong ikulong at ilagay sa pangangalaga ng House Sergeant -At-Arms kung magiging pasaway at tatangging sagutin ang ibabatong tanong ng mga mambabatas.
Sinabi ng lady solon na maaring makulong ng hanggang sampung araw si Garcillano kung bibigyan nito ng dahilan ang mga kongresista para ma-contempt ito.
Kinuwestiyon naman ni House Minority Leader Francis Escudero ang pagkakaroon ng mga armadong escorts ng kontrobersyal na dating poll executive ng lumabas ito sa kaniyang pinagtataguan sa Maguindanao.
Kaugnay nito, pinangalanan naman ni Garcillano ang walong Kongresista na nakausap niya noong 2004 elections na kinabibilangan nina Reps. Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Roilo Golez, Benasing Macarambon Jr., Clavel Martinez, Rafael Nantes, Ricky Sandoval at Danilo Suarez.
Ipinabubusisi naman ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa Ombudsman at sa Senate Ethics Committee ang mga Senador na tutukuyin ni Garcillano sa pagdinig ng Kongreso sa Hello Garci tape.
Sa palasyo ng Malacañang, umapela naman si Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye kay Garcillano na magsabi ng patotohanan sa kaniyang pagharap sa imbestigasyon na walang naganap na dayaan noong nagdaang halalan. (Malou Rongalerios, Lilia Tolentino at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended