^

Bansa

Job fair pinatigil ni GMA, ginagawa raw raket

-
Ipinatigil ni Pangulong Arroyo ang 2-day job fair na nakatakdang idaos kahapon at ngayong araw sa may Mendiola matapos makatanggap ng report na pinagkakakitaan umano ito ng Office of the Press Undersecretary.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, minabuti ng Palasyo na ipakansela muna ang mga job fair hanggang hindi nalulutas ang kontrobersiya dito kasabay ng utos na imbestigahan ang isyu.

Isa sa inirereklamo ang umano’y masyadong mataas na singil sa renta para sa mga itinatayong booth at parking na nagkakahalaga ng P60,000.

Ang singil sa mga shopping mall sa pagdaraos ng job fair ay umaabot lang sa P30,000 bawat kalahok na kompanya.

Agad namang hiningan ng paliwanag si Press Undersec. Robert Rivera.

Bunga nito, may 200 mga aplikante sa trabaho na mula pa sa iba’t ibang mga probinsiya ang nadismaya matapos mabatid na nakansela ang job fair.

Ayon sa mga aplikante, malayo pa ang kanilang pinanggalingan at pinilit nilang magsadya sa Maynila sa pagbabakasali na makahanap ng trabaho. (Lilia Tolentino)

AYON

BUNGA

IPINATIGIL

ISA

LILIA TOLENTINO

OFFICE OF THE PRESS UNDERSECRETARY

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

PRESS UNDERSEC

ROBERT RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with