Libreng sakay ngayon sa LRT at MRT
November 27, 2005 | 12:00am
Bilang pagbibigay-pugay sa mga atletang Pinoy at pakikiisa sa pagbubukas ng 23rd Southeast Asian Games sa bansa, magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) simula ngayong tanghali hanggang sa pagsasara nito.
Ayon kay MRT General Manager Roberto Lastimoso, ang kanilang gagawing mga libreng sakay ay upang maipahatid sa mga atletang Pinoy ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng sakay sa mga mamamayan na nais na magtungo sa mga venue na pagdarausan ng opening ng SEAG.
Ang MRT at LRT ang siyang pinakamabilis na pamamaraan ng pagbibiyahe sa EDSA at Taft Avenue.
Sinabi ni Lastimoso na sisimulan ang libreng sakay sa lahat ng commuters dakong alas-12 ng tanghali at tatagal hanggang sa kanilang pagsasara upang mabilis na makapunta at maihatid nila ang lahat ng mga Pinoy na nais na manood sa opening o sa mga laro para masuportahan na rin ang mga Pinoy athletes. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended