^

Bansa

Dual citizenship alok sa mga Pinoy sa Lebanon

-
Masayang ibinalita ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut sa mga Pinoy sa Lebanon na humahawak ng Lebanese passport na maaari na silang makakuha ng "dual citizenship".

Sa ginanap na pagtitipon ng may 250 Filipino-Lebanese sa Le Meredien Commodore Hotel sa Hamra, Beirut na inorganisa ng Embahada, inaanunsiyo ni Charge d’ Affaires Nestor Padalhin sa mga dating Filipino citizen na naging Lebanese na maaari na silang makapag-apply ng kanilang dual citizenship alinsunod sa isinasaad ng Dual Citizenship Law ng Pilipinas na naipasa ng Kongreso at naisabatas noong 2003.

Sinabi ni Padalhin na tumaas na ang bilang ng mga Pinoy na nagpapakasal sa mga Lebanese nationals at base sa rekord ng Embahada ay umaabot na sa 150 pamilya ng Pinoy na tinatayang may ganito ring bilang o higit pa ng kanilang mga anak ang nakatira sa Lebanon.

Bukod dito, niliwanag ni Padalhin sa mga Fil-Lebanese na makakakuha ng dual citizenship na maaari na rin silang magparehistro bilang botante para sa "absentee voter" sa ilalim ng umiiral na Overseas Absentee Voting Law ng Pilipinas na nai-apply na rin ng nagdaang 2004 national elections.

Ang mga kuwalipikadong absentee voters ay kabilang na sa boboto sa 2007 elections sa Pilipinas mula sa mga ilalagay na election centers sa Lebanon. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AFFAIRES NESTOR PADALHIN

DUAL CITIZENSHIP LAW

ELLEN FERNANDO

EMBAHADA

LE MEREDIEN COMMODORE HOTEL

OVERSEAS ABSENTEE VOTING LAW

PADALHIN

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with