Pagdalo ni Erap sa class reunion hinarang ng Sandiganbayan
November 15, 2005 | 12:00am
Hindi pinayagan ng Sandiganbayan si dating Pangulong Erap Estrada na makadalo sa Ateneo High School Class 55 golden jubilee celebration.
Sa 3-pahinang resolusyon na ipinalabas ng anti-graft court, wala umanong makitang mabigat na dahilan ang korte upang payagan si Erap para dumalo sa class reunion.
Sa desisyon nina Presiding Justice Teresita Castro, Associate Justice Francisco Villaruz Jr. at Associate Justice Diosdado Peralta, kung papayagan nila si Erap na dumalo sa fund raising concert ng kanilang klase sa Meralco theater ay gagastos lamang ang gobyerno bukod sa magiging delikado pa sa seguridad nito.
Magugunita na hiniling ni Erap sa korte na payagan siyang makadalo sa fund raising concert ngayong gabi sa Meralco theater na itinaguyod ng kanilang high school class. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest