^

Bansa

Budget hearing baka raw gamitin para banatan ang pamahalaan

-
Nanawagan ang mga kongresista sa Senado na gamitin ang pagdinig hinggil sa panukalang 2006 national budget sa tamang paraan at hindi upang banatan ang pamahalaan.

Ayon kina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon, dapat merito at kahalagahan ng pambansang pondo sa pamumuhay ng taumbayan ang maging pangunahing konsiderasyon ng mga senador sa plano nitong gawin ang Senado bilang committee on the whole upang mapabilis ang pagpapatibay sa panukala.

Naniniwala ang mga kongresista na dapat nakatutok lamang sa pagtalakay sa pambansang pondo ang sisimulang pagdinig sa Lunes ng Senado at hindi gagamitin ang okasyon para ipagpatuloy ang kanilang paninira at pagbatikos sa gobyerno. Hinikayat nina Salapuddin at Macarambon na alamin ng Senado kung makatutugon ba ang pambansang pondo sa mga inilatag nitong programa at proyekto para sa mamamayan sa susunod na taon. (Malou Rongalerios)

AYON

BENASING MACARAMBON

HINIKAYAT

HOUSE DEPUTY SPEAKER

LANAO

MACARAMBON

MALOU RONGALERIOS

MINDANAO GERRY SALAPUDDIN

SENADO

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with