^

Bansa

Northrail tuloy na

-
Siniguro kahapon ni Northrail president Jose Cortes Jr. na wala ng sagabal sa konstruksyon ng Northrail na magmumula sa Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan makaraang ibasura ng Supreme Court ang hinihinging Temporary Restraining Order (TRO) ni Atty. Harry Roque ng UP Law Center at isang urban poor group.

Sa naging resolusyon ng SC, dapat ay sa mababang hukuman kinuwestyon ng grupo ni Atty. Roque ang kontrata ng Northrail sa China National Machinery and Equipment Group (CNMEG) at hindi sa high tribunal.

Ipinaliwanag pa ni Cortes na ang proyekto ay naglalayong mabigyan ng moderno at abot-kayang transportasyon ang mga residente ng Central Luzon gayundin ang mapabilis ang pagluluwas ng mga produkto sa Kamaynilaan.

Prayoridad nilang kunin bilang mga manggagawa sa proyekto ang mga residenteng maapektuhan kung saan ay inaasahan nilang aabot sa 2,000 trabahador ang kanilang kakailanganin at kapag natapos ang konstruksyon ay mangangailangan sila ng 500 personnel para sa kanilang 6 train stations.

Naniniwala si Cortes na magiging bukas ang mga mata sa katotohanan ng mga apektadong residente at mga mambabatas sa buting idudulot ng Northrail project. (Rudy Andal)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CENTRAL LUZON

CHINA NATIONAL MACHINERY AND EQUIPMENT GROUP

HARRY ROQUE

JOSE CORTES JR.

LAW CENTER

NORTHRAIL

RUDY ANDAL

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with