Puno, Panganiban contender sa Chief Justice
November 7, 2005 | 12:00am
Naglalaban ngayon sa puwestong Chief Justice ng Korte Suprema sina Senior Associate Justice Reynato Puno at Associate Justice Artemio Panganiban na kapwa malaki ang naitulong kay Pangulong Arroyo.
Malalaman kung sino sa dalawa ang hihirangin ng Pangulo sa opisyal na pagreretiro ni Chief Justice Hilario Davide ngayong darating na Disyembre 20 sa pagtuntong nito sa edad na 70.
Nabatid na si Panganiban ang kasama ni Davide na umapruba sa pagluklok kay Pangulong Arroyo bilang bagong pinuno ng bansa noong Enero 20, 2001 sa gitna ng tagumpay ng Edsa Dos.
Si Puno naman ang umakda ng 13-0 desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa legalidad ng pagkapangulo nito nang kuwestiyunin ito ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Bukod sa dalawa, tatlo pang mahistrado ang nominado kabilang sina Associate Leonardo Quisumbing, Consuelo Ynares-Santiago at Angelina Sandoval-Guttierez.
Kasalukuyang tumatanggap na ang Judicial and Bar Council ng nominasyon para sa susunod na Chief Justice na inaasahang matatanggap bago sumapit ang Nob. 10.
Base sa Konstitusyon, kinakailangang magsumite ang konseho ng 3 nominado sa Pangulo kung saan pipili ito sa loob ng 90 araw para sa bagong Punong Mahistrado. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended