Jihad ikinasa!
November 4, 2005 | 12:00am
Nagdeklara na ng "jihad" o giyera laban sa gobyerno ang radikal na grupong Rajah Solaiman Movement (RSM) na may ugnayan sa Al-Qaeda matapos manawagan sa kanilang grupo na maglunsad ng malawakang terror attacks sa Metro Manila ngayong tapos na ang Ramadan.
Sinabi ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence, Chief Rear Admiral Tirso Danga na nakatanggap sila ng intelligence report na inalerto na ng nagpiyansang si terror suspect Tyrone Dawud Santos ang kanilang mga kasamahan upang ipaghiganti ang pagkakadakip sa kanilang lider na si Ahmad Santos, kapatid ni Dawud, at 8 pa nitong tauhan sa isang raid sa Zamboanga City kamakailan.
Puntirya ng jihad ang LRT at MRT stations, airports, mga pier, shopping malls, US Embassy, SEA Games venue at mga nightclubs na tinatambayan ng mga dayuhan sa Malate, Maynila.
"We cant locate Dawud but according to our reports, he is the one contacting his comrades to conduct bombings in Metro Manila," ani Danga.
Si Dawud Santos ay sangkot sa nasilat na Lenten attack. Nakalaya ito matapos magpiyansa ng P200,000 noong nakalipas na Abril sa kasong illegal possession of firearms & explosives.
Sa pagkakasakote kay Ahmad ay determinado ang grupo na maghiganti sa pamamagitan ng pambobomba sa Metro Manila.
Nauna nang ibinulgar ni Danga na ang Jemaah Islamiyah (JI)ang nagpopondo sa RSM para mambomba. Ang JI ang Southeast Asian terrorist network na naitatag ng Al-Qaeda.
Nabatid pa na sina Dulmatin, ang mastermind sa Bali bombing sa Indonesia noong Oktubre 2002 at kanang kamay nitong si Omar Patek ang humahawak umano ng pondo ng JI.
Naging kontrobersiyal ang pagkakalaya ni Dawud matapos mapaulat na si ABS-CBN anchor Julius Babao ang umanoy nagpiyansa rito na itinanggi naman ni Babao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended