Caloocan jail paluluwagin
November 3, 2005 | 12:00am
Sisimulan na ang programa sa pagpapaluwag ng Caloocan City Jail at inaasahan itong matatapos sa loob ng anim na buwan.
Sinabi ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri na mahalagang mabigyang-pansin ang pagpapaluwag sa kulungan upang mas maging epektibo ang pagbabago ng mga naaresto.
Sa isinagawang pulong ng Peace and Order Council, iniulat ni Atty. Marissa Manalo-Ang ng Integrated Bar of the Philippines ang planong pabilisin ang pagdinig sa kaso at pagpapalaya sa mga batang nagkasala o kaya ay ilipat sila sa hiwalay na lugar na malayo sa mga matatandang nagkasala.
Inirekomenda niya ang pagtatayo ng lugar na para lamang sa mga batang nagkasala upang hindi sila maimpluwensiyahan ng mga kriminal na paulit-ulit nang gumagawa ng kasalanan.
Sinabi ni Metropolitan Trial Court judge Eleanor Kwong na ang Justice on Wheels ng Supreme Court ay nakapagpalaya ng 76 detenido sa pagtatapos ng Setyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest