Paring Pinoy, pinatay!
October 30, 2005 | 12:00am
Isang paring Pinoy at isa pang Indian priest ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob mismo ng tinitirhang misyunaryo sa bansang Jamaica.
Sa ulat na nakalap sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang paring Pinoy na si Marco Laspuna, habang ang Indian priest ay si Suresh Barwa na pinagbabaril habang naghuhugas ang mga ito ng pinggan sa loob ng missionary na nakabase sa Jamaican capital.
Dahil sa tama ng bala sa ulo, namatay noon din si Laspuna habang si Barwa ay binawian ng buhay habang ginagamot sa isang ospital ilang oras matapos itong isugod doon.
Naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi nitong Biyernes sa bisinidad ng Corpus Christi missionary sa Kingston. Ayon kay Father Richard Holung, pinuno ng Roman Catholic missionary sa Jamaican, katatapos lamang nilang maghapunan habang limang kasamahang pari ang nasa kusina at naghuhugas ng mga pinagkainan nang bigla na lamang makarinig ang mga ito nang magkakasunod na putok. Sinabi ni Holung na wala sa kanilang mga kasamahang pari ang may alam kung sino ang mga salarin at kung saan nanggaling ang mga bala.
Tiniyak naman ni Jamaicas National Security Minister Peter Phillips na gagawin ang lahat ng pulisya upang madakip ang mga responsable sa pagpatay sa dalawang pari.
Sa rekord, ang Jamaica ay maituturing na may pinakamataas na insidente ng brutal na pagpatay maging sa mga alagad ng Diyos.
Ang Missionaries for the Poor na pinamamahalaan ng mga pari ay tumutulong sa may 500 indibidwal na walang tahanan mula sa limang centers ng Kingston. Umaabot naman sa 1,000 katao ang nabigyan ng mga damit, pagkain at medisina sa mga paring Jesuit kada araw. (Ellen Fernando at may ulat ng AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest