Senado tinakasan ng ex-DA usec
October 27, 2005 | 12:00am
Sumibat kahapon patungong Amerika si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn "Joc-Joc" Bolante, ang itinuturing na missing link sa kontrobersiyal na P728 milyon fertilizer fund scandal upang takasan umano ang Senate hearing.
Si Bolante ay pinaghahanap ng Senate blue ribbon committee para pagpaliwanagin kaugnay sa umanoy iligal na paggamit ng pondo ng "Ginintuang Masagang Ani" program ng gobyerno na pinaniniwalaang ginamit noong nakaraang 2004 elections.
Sinabi ni Sen. Ramon Magsaysay, si Bolante ay umalis lulan ng PAL flight PR 102 patungong Los Angeles, USA upang ayusin daw ang negosyo nito sa Amerika.
Humingi naman ng paumanhin kay Magsaysay ang abogado ni Bolante na si Atty. Antonio Zulueta sa hindi pagdalo ng dating opisyal ng DA dahil mayroon anyang naunang schedule ito sa US at hindi naman daw umiiwas sa imbestigasyon ng Senado.
Ikinatwiran pa ni Atty. Zulueta, maski naman makadalo ang kanyang kliyente ay hindi naman ito makakatulong sa imbestigasyon ng Senado dahil isang taon mahigit na umanong wala ito sa DA at ministerial lamang ang naging papel nito sa pagpapalabas ng fertilizer fund sa mga local government units.
Hindi rin dumalo sa fertilizer fund scam sina Agriculture Assistant Sec. Felix Jose Montes at Presidential Adviser Ibarra Poliquit dahil umano sa umiiral na Executive Order 464.
Sinasabing babalik si Bolante sa bansa sa Disyembre 18. (Butch Quejada/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended